sa Bibliya, anak ni Jacob, ipinagbili ng mga kapatid upang maging alipin, at naging mataas na pinunò ng Ehipto
San Jose (san ho•sé)
1:
sa Bibliya, karpinterong asawa ni Birheng Maria
2:
kabesera ng Antique
3:
lungsod sa Nueva Ecija
Rizal, Jose (ri•zál, ho•sé)
:
(1861 1896) pambansang bayani; awtor ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, pangunahing Propagandista, pinag-hinalaang lider ng Rebolusyong Fili-pino, at binitay noong 30 Disyembre 1896
Búrgos, Jose (búr•gos, ho•sé)
:
(1837-1972) isa sa Gomburza, pinakabatà sa tatlo, at kura paroko ng Katedral ng Maynila
Dela Cruz, Jose (de•lá kruz, ho•sé)
:
pangunahing makata sa Maynila noong ika-19 na siglo at itinuturing na awtor ng maraming popular na awit at korido; binansagang “Huseng Sisiw.”
de Jesus, Jose Corazon (de he•sús ho•sé ko•ra•zón)
:
1894-1932) itinuturing na pinakatanyag na makata nitóng ikadalawampung siglo, naging unang hari ng balagtasan, at may akda ng “Bayan ko.”
Cofradia de San Jose (ko•frá•dya de san hó•se)
:
kapatirang panrelihiyon na itinatag ni Apolinario de la Cruz na inusig ng mga fraile kayâ nag-alsa